Posts tagged photography.

i miss this drink. ito kasi yung inoorder ko dati sa taps and mix sa tuwing kumakain kami doon dati dahil sa pwede mo pang irefill ng tubig nang dahil sa sobrang tamis.

AND NOW WE’RE IN GENSAN.

akala ko talaga di na kami magkikitang tatlo ngayong summer bago magsimula ang mga summer classes namin. e kasi naman kada break umuuwi si Carlo, sa UST kasi siya nag-aaral samantalang ako at si Joann dito sa GenSan. tapos ayon nalungkot ako na isiping di kami magkakasama e kasi naman last week dapat magkikita kami sa hometown namin e kaso yun nga lang pumunta ako ng Manila. pero nung Tuesday biglang may nagtext si Carlo nagyayang gumala, kaya ayon nagkita kami sa SM tapos pumunta ng kabilang mall dahil mas mura ang sine dun kesa sa SM. hahaha. bago pa man kami pumasok ng sinehan —dahil 5pm kami bumili ng ticket at 6:30 pa pwedeng pumasok dahil 6:50 ang showing- tumambay na muna kami sa carpark rooftop.

matapos ang pagtambay plus pictorial pumasok na kami ng mall at pumunta ng grocery para bumili ng tissue, e kasi namanm si Carlo na ang najejebs. LOL kaya naman nauna na siyang pumasok ng sinehan dahil wala masyadong tao sa loob ng CR tapos right after that nanood na kami ng THE CROODS! dami lang naming tawa. 

matapos yun pumunta kami ng Dragon —kung dati dun lang kami sa Hometown namin e kasi dun talaga yung dragon, ngayon meron na rin sa Gensan pero di pa nagoopen. and the same thing we did tambay, kain, kwentuhan and picturan.

tantataaaaaaaaannnn! ayon, ang saya lang namin at palagi pa ring absent si Harvey. 

Intamuros, Manila

My beautiful tita on her wedding dress :D I’m so happy for her because finally at the age of 42 she got married.

WILL GRAYSON, WILL GRAYSON. Nabili ko na rin! thanks to Jassen dahil kung di siya nagpagawa ng project sa akin wala akong pambili nito. well anyway di ko pa pala natatapos yung Abundance of Katherines, and i’m pretty much hoping na makabili na ng Paper Towns although nabasa ko na siya.

EGG SANDWICH. so papasa naman ata diba? ilang umaga na rin akong nagluluto ng itlog for breakfast at kahit papano nagtatagumpay naman ako kahit ba minsan kapag gagawa ako ng sunny side up magiging biglang scramble egg dahil dumikit sa frying pan. LOL

Finally! I’ve got my own copy of THE FAULT IN OUR STARS book by John Green— a birthday gift from my uncle. Ito na kasi ang greatest frustration ko dati e, yung feeling na di ko siya mabili-bili dahil harad bound lang ang available tapos di ko yun ma-afford dahil ang mahal. pero buti na lang kagabi matapos ang ilang araw na dasalan na sana may stock na ng paperback nito, nakabili na rin ako! and i was so happy naaaaaa!

Shara the debutant

Yesterday night during Shara’s 18th birthday at Phela Grande Convention

Yummy gulaman.

okay so i did some action star moves yesterday sa bahay nina Tito. e kasi naman ganito ang nangyari. a night before christmas eve nilooban ang bahay niya e kasi naman nakalimutan niya palang i-lock ang main door ng bahay nila pero di niyang nalimutang i-lock ang gate nila. tapos ayon pumunta ako dun, e kaso wala akong susi nung gate dahil nga sa nawala ko kaya ang ginawa ko umakyat ako sa bakod at biglang 50-50 ang buhay ko e kasi naman baka mahulog ako—hinubad ko yung sapatos ko para mas safe- o di kaya baka biglang may bumaril sa akin dahil ang akal a magnanakaw ako pero wala naman. so ayon chineck ko ang bahay pero wala namang nawala at nilock ko na at umuwi.

Christmas present from mama and papa a new shirt and a new wallet. at last may bagong walet na ako, ninakaw nga kasi yung dati kong wallet. 

LIBRENG DINNER.

ako na ang nalibre ni Ramil ngayong gabi! haha. nang matapos niya kasi akong samahan magpa-cbc sa hospital pumunta kami ng SM tapos nang dumaan kami sa Karate Kid biglang sabi niya na gusto kong kumain sa karate kid tapos akala ko hanggang sa salita lang pero biglang niyaya niya talaga akong kumain dun at sabi ko o sige basta libre mo ko at ayon wala na siyang no choice. LOL nilibre niya nga talaga ako.

image

at ito na nga yun!! 

image

tofu— a treat by Kuya Jover na sumunod sa amin.

image

refreshing punch.

and taaadaa! i think this is GYODUN samatanlang yung sa kanya e beef teriyaki. masarap na sana yung pagkain ko e, kaso yun nga lang nilagyan ni Ramil ng Monggo sprout galing sa pagkain niya pero okay naman. 

so ayon, ako na ang nabusog well syempre nakalibre dinner ako e. 

and so how do i look with this rayban shades of Ramil? Hahaha, di talaga ako bagay sumuot ng shades e.